- Nakakamiss ‘yung pagkagising mo sa umaga, kahit puno pa ng muta ang mata mo at panis na laway ang pisngi mo eh mas inuuna mo pa ang pagsilip sa selepono mo at tingnan kung nag-text s’ya, o kung hindi man, para i-text s’ya ng simpleng mensahe, kesa sa paghihilamos ng mukha.
- Nakakamiss ‘yung ang bukod-tanging dahilan kung bakit ka gumagastos para sa load ng selepono mo ay para makausap s’ya.
- Nakakamiss ‘yung kunyari may ibubulong ka sa kanya pero ‘yun pala, hahalikan mo s’ya sa pisngi. Pwede ring ‘yun pala, kakagatin mo ‘yung tenga n’ya.
- Nakakamiss ‘yung kapag wala kang magawa, babasahin mo lahat ‘yung text messages n’ya sa ‘yo magmula sa umpisa hanggang sa pinakabagong mensahe n’ya.
- Nakakamiss ‘yung wala kayong ginawa sa buong maghapon kundi mag-foodtrip nang mag-foodtrip kahit naiimpatso na kayo sa sobrang takaw.
- Nakakamiss ‘yung pupunasan n’ya ang pawis mo kahit nasa pampublikong lugar kayo.
- Nakakamiss ‘yung kapag wala na kayong mapag-usapan eh bigla na lang s’yang magsasabi sa ‘yo ng “I love you” o “mahal kita” para mas matamis.
- Nakakamiss ‘yung halos naka-welding na ‘yung mga kamay n’yo sa sobrang higpit ng pagkakaholding hands n’yo, kahit pa pasmado ang kamay n’ya.
- Nakakamiss ‘yung may dadalhin kang babae sa bahay n’yo at ipapakilala mo s’ya sa mga magulang mo, at magugustuhan nila ‘yung babaeng ‘yon.
- Nakakamiss ‘yung random na usapan na puno ng nakakakilig, korni, pero matatamis na salita at galing talaga sa puso.
- Nakakamiss ‘yung nagugustuhan ka ng mga kaibigan n’ya, at nagugustuhan s’ya ng mga kaibigan mo.
- Nakakamiss ‘yung bigla na lang s’yang magte-text sa ‘yo ng “namimiss na kita”.
- Nakakamiss ‘yung maglalakad kayo sa ulan na may dalang iisang payong lang, sapat na dahilan para lalo kayong maging ‘malapit’ sa isa’t-isa. (Pwede rin ‘yung wala kayong dalang payong at naabutan kayo ng malakas na ulan, kaso hindi ko pa nasubukan ‘to.)
- Nakakamiss ‘yung kapag na-late ka sa lakad n’yo, kapag nagkita na kayo eh nakasimangot s’ya, pero agad ding matatawa sa ‘yo.
- Nakakamiss ‘yung gumagastos ka minsan para mapasaya s’ya. Kahit naubos ang pera mo, at least dalawa kayong masaya. Hindi tulad ng single, okay lang kung naubos ang pera mo, ‘yun nga lang, ikaw lang mag-isa ang masaya.
- Nakakamiss ‘yung habang nasa gitna kayo ng naglalagablab na halikan eh bigla mo na lang maririnig ‘yung sound effect ng halikan n’yo — “shhlopp!”, magkakatinginan kayo, at biglang matatawa.
- Nakakamiss ‘yung habang nasa gitna pa rin kayo ng sagupaan ng mga labi eh ididilat mo ‘yung mata mo para tingnan kung nakapikit din ba s’ya, at kapag nagkatinginan kayo, bigla ulit kayong matatawa.
- Nakakamiss ‘yung mag-eeksperimento kayo sa inyong paghahalikan, tulad ng paglalagay ng chewing gum o menthol candy sa bibig para mas malamig ang dating ng ‘mainit’ na laplapan.
- Nakakamiss ‘yung pagkatapos ng halikan na ‘yan, sasabihin mo sa kanyang “I love you” sabay nose to nose o kaya pipisilin mo ‘yung ilong n’ya, at ganoon din s’ya sa ‘yo.
- Nakakamiss ‘yung pinaglalaruan mo ‘yung dulo ng buhok n’ya. Kapag sinabing huwag dahil inaantok s’ya sa ganoon, hindi ka pa rin titigil sa kakalaro.
- Nakakamiss ‘yung kukuhanan mo s’ya ng candid na litrato. Ang daming ganyan sa selepono ko noon!
- Nakakamiss ‘yung mag-uusap kayo tungkol sa mga hilig ninyong dalawa (music, food, books, eklavu, etc).
- Nakakamiss ‘yung mag-uusap kayo tungkol sa future n’yo.
- Nakakamiss ‘yung meron kang tinitipid na pabango dahil ginagamit mo lang ‘yon sa tuwing magkikita kayo.
- Nakakamiss din ‘yung nakakalalakeng pakiramdam kapag sinasabihan ka n’ya ng “Ang bango mo. Lalakeng lalake ang amoy mo”.
- Nakakamiss ‘yung magsasabi s’ya ng “hmp!” sa ‘yo. Ewan ko ba pero natutuwa ako sa ganoon. Ang cute-cute kasi.
- Nakakamiss ‘yung gumagawa ka ng tula para sa kanya. (Pero isang beses ko lang ‘tong nagawa.)
- Nakakamiss ‘yung parang bigla kang sinapian ng pagiging bampira at gusto mong kagatin ‘yung leeg at batok n’ya at gustung-gusto mo pang nakikiliti s’ya.
- Nakakamiss ‘yung bigla mo s’yang yayakapin mula sa likod at pagkaharap n’ya sa ‘yo eh hahalikan ka n’ya.
- Nakakamiss din ‘yung s’ya naman ang yayakap mula sa likod mo at minsan ay susundutin ang tagiliran mo dahil alam n’yang malakas ang kiliti mo doon.
- Nakakamiss ‘yung magkayakap lang kayo dahil sa wala lang, gusto n’yo lang maramdaman kung gaano n’yo ka-miss ang isa’t isa.
- Nakakamiss ‘yung napapatawa mo s’ya kahit niluma na ng panahon ‘yung hirit mo.
- Nakakamiss ‘yung makakarinig ka ng mga positibong komento tungkol sa relasyon n’yong dalawa tulad ng “bagay kayo”, “ang sweet n’yo”, “ang swerte mo naman sa kanya”, at iba pa.
- Nakakamiss ‘yung maglalagay ka ng sikretong sulat sa loob ng bag n’ya nang hindi n’ya nalalaman.
- Nakakamiss ‘yung kakantahan mo s’ya kahit sintunado ka pa, basta’t ang importante sa ‘yo eh marinig n’ya ‘yung boses mong parang nilalagaring yero.
- Nakakamiss ‘yung hinahaplos mo ‘yung kamay at mga daliri n’ya.
- Nakakamiss din ‘yung s’ya naman ang humahaplos sa dailiri mo pagkatapos ay mapagtatanto n’ya na mas mukhang babae pa ‘yung kamay mo kesa sa kanya (laging nangyayari sa akin ‘to dahil ang kinis ng kamay ko LOL).
- Nakakamiss ‘yung kahit inaantok na kayo eh hihintayin n’yong mag-alas dose ng hatinggabi para lang salubungin ang monthsary n’yo. Masaya na kayo sa ganoon, kahit wala nang regalo.
- Nakakamiss ‘yung pakiramdam na proud kayo sa isa’t isa.
- Nakakamiss din ‘yung pakiramdam na proud kayo sa suot n’yong couples’ shirt (Isa ‘to sa mga pangarap ko pero unfortunately, hindi pa natutupad).
- Nakakamiss ‘yung nakakakuryenteng pakiramdam habang nakahilig s’ya sa balikat mo, ramdam mo ang bango ng buhok n’ya at ang buong pagkatao n’ya.
- Nakakamiss ‘yung nakakakuryenteng pakiramdam (ulit) habang naghahalikan kayo at hinahaplos n’ya ang batok at buhok mo.
- Nakakamiss ‘yung s’ya lang ang bukod-tanging dahilan ng pag-iyak mo.
- Nakakamiss ‘yung sabay kayong magsisimba. Hindi ‘yung simbang labas lang ha, ‘yung magsisimba talaga kayo (ano daw?).
- Nakakamiss ‘yung kapag nasa biyahe kayo at kailangan mo nang bumaba, hindi ka bababa ng sasakyan hangga’t hindi mo s’ya nahahalikan sabay sabing “ingat ka, I love you”.
- Nakakamiss ‘yung hinahawi mo ‘yung buhok n’ya para makita mo ‘yung mukha n’ya.
- Nakakamiss ‘yung may taong mag-aalala sa ‘yo at sa kalusugan mo.
- Nakakamiss ‘yung sinusundo mo s’ya sa school pagkatapos ng klase n’ya.
- Nakakamiss ‘yung pinagmamalaki ka n’ya sa mga magulang/kamag-anak/kaibigan n’ya.
- Nakakamiss ‘yung may manghahampas sa ‘yo sa likod dahil napatawa mo s’ya sa hirit mo.
- Nakakamiss ‘yung kasama mo s’ya sa buong maghapon, pero nakukulangan pa rin kayo o nabibilisan kayo sa oras.
- Nakakamiss ‘yung pakiramdam na bago kayo matulog eh mag-uusap muna kayo sa selepono.
- Nakakamiss ‘yung nakakatulugan n’yo ‘yung pag-uusap n’yo sa selepono.
- Nakakamiss ‘yung pakiramdam na ang sarap ng tulog mo dahil alam mong may nagmamahal sa ‘yo. Hindi ka napupuyat sa kakaisip sa kanya.
- Nakakamiss ‘yung pakiramdam na gumigising ka sa umaga nang masaya dahil bawat bagong umaga ay panibagong pakikipagsapalaran na kakaharapin n’yo nang magkasama.
-- napaka-romantikong tao naman ni Memorykill asan na ang mga lalaking ganito sa mundo ?? haha !
0 Comments:
Post a Comment