Sunday, February 26, 2012

BREAK NA TAYO !!

Gaano ba kadali sabihin ang salitang break na tayo? O gaano ba ito kahirap? Sa mga salitang iyan, marami ang natutuwa, pero madalas, marami ang nasasaktan. Marami ding nababago, iyong iba, nagiging gago. Pinagpaplanuhan ba ito? O sadya na lang lalabas sa bibig mo? Tulad ng I love you, may pinipili ba itong pagkakataon? O sa kahit na anong senaryo, pwede mo na itong banggitin? Kung kadalasan nakakasakit lang pala ito, bakit pa kaya ito nauso? Minsan ba naisip mong pumasok sa isang relasyon kasi alam mong kapag ayaw mo na, pwede naman makipag-break? Bakit ba kailangan sabihin ang break na tayo!?



Marahil, marami pa rin ang walang masyadong karanasan sa mga ganitong bagay o di naman kaya ang iba ay sobra-sobra na ang mga pinagdaanang ganitong sitwasyon. Pero kung tatanungin mo ang kahit na sino, marami silang masasabing dahilan. Bakit? Kasi pare-parehas lang. Gasgas na. Luma! Marami ang ginagawang pampagaan ng sitwasyon ang nga katagang, "pwede pa din naman tayong maging kaibigan." Kaya mo? Ang totoo, hindi. Pero mananatili kang kaibigan niya dahil nga naman, mahal mo pa. At habang mahal mo siya't kaibigan ka niya, patuloy ka sa pag-asang babalik siya ulit sa'yo. Pero posible ba, na maging magkaibigan na lang kayo?

Posible at imposible, depende sa sitwasyon at pagkakataon. Kapag pumasok ka sa isang relasyon, isang mahalagang bagay na dapat pinatatatag ninyong pareho ay ang pagkakaibigan. Mawala man ang salitang KAYO, mananatili pa din ang ugnayang magkaibigan kayo. Pero tandaan, magkaibigan na lang kayo, may mga bagay na hindi ninyo na dapat ginawa. Mayroon na kayong limitasyon sa isa't isa. Sa break-up o paghihiwalay, maraming dahilan ang nagkalat. Mayroong totoo, mayroon ding gawa-gawa para makatakas na lang.

NASASAKAL / MARAMING PAGKUKULANG.

Personally, hindi ako naniniwala sa ganitong dahilan. Paano mo ba masasabing sobra o kulang? E paano mo ba masusukat ang sapat? Natitimbang ba ang pagmamahal at atensyon? Kailangan ba binibilang ang tiwala at ang iyong communication? Walang sobra, sapat, o kulang. Matuto ka lang pahalagahan ang mga bagay ng ginagawa niya para sa'yo at sa inyo. Matuto kang tignan ang mga maliliit na bagay na sinusubukan niyang gawin para sa iyo. Wag lamang sabihing mahal mo siya o mahalaga siya, kundi ipakita't ipadama ang nararamdaman mo. Maging kontento sa anumang mayroon kayo. Mayroong tamang panahon ang lahat, pero wag ding gawing huli na ang lahat. Makontento at magpahalaga.

SAKRIPISYO / PAGPAPARAYA.

Para saan? Sa pag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan, sa pangarap, sa prinsipyo, sa paniniwala, para sa wala. Ito ba iyong tipong nasa harap mo na tinulak mo pa? Hawak mo na pero pinakawalan mo pa? Pwede ka namang piliin pero may iba pa palang pinagpipilian? Niyakap ka na, pero kailangan mong kumawala kasi iyon ang dapat, iyon ang tama. Mahal ninyo isa't isa pero may responsibilidad na siya sa iba. Kailangan maghiwalay kasi may mas mahalagang priority sa buhay. Napagdesisyunang maging magkaibigan na lang dahil sa utos ng magulang. Piniling tapusin ang namamagitan dahil hindi nanniniwalang magwo-work ang long distance relationship. Sang-ayon o hindi sang-ayon kailangan gawin ng isa, para sa mas magandang pagsasama, o para sa mas ikabubuti ng nakararami. Minsan talaga, love is a big sacrifice.

TUYONG DAMDAMIN / WALA NG PAGMAMAHAL.

Isa pang dahilang hindi ko pinaniniwalaan. Kapag minahal mo ang isang tao, hindi na mawawala ang pagmamahal na iyon. Maaaring mabawasan, madagdagan.. pero hindi mawawala. Kung anuman ang naramdaman mong pagmamahal para sa taong iyon, mananatiling sa kanya iyon hanggang sa mamatay siya. Dahil iba't ibang pagmamahal ang nararamdaman at nararanasan natin sa bawat tao. Kadalasan, nagiging stagnant lang ito, dahil napabayaan. Nawalan ng kulay, saya, at tamis dahil nawalan ng atensyon, nawalan ng pag-aalaga, at nawalan ng tiwala. Minsan, ang masyadong pagiging komportable sa relasyon ay hindi maganda. Dyan na nagsisimula ang 'bahala nga siya,' na dati'y 'kailangan naming maayos to.' May pagkakataon pang hindi ka na iimik kasi expected mong dapat alam na nya iyon. Komportable sa 'mahal namin ang isa't isa,' kaya petiks petiks na lang din. Makakaramdam ng pagbabalewala kasi iniisip ng isa na maiintindihan mo naman. Nagiging tipikal na lang ang mga bagay na dati ay espesyal na espesyal sa iyong dalawa, kasi pauli-ulit. Nagiging normal na lang, kasi nakasanayan na. Makiramdam ka.

TIWALA.

Isa sa mga pinakaimportanteng sangkap ng magandang pagsasama. Sa bawat ginagawa natin, madalas sinasabi na dapat pinag-iisipan muna natin ito hindi lamang isa o dalawang beses, kundi maraming beses. Dahil sa bawat mangyayare matapos ang pagdedesisyon mo, maaaring tiwala sa'yo ang nakabingit dito. At kapag nasira na 'yon, daig mo pa ang nanliligaw para mabalik 'yon. Swerte mo, kung buong tiwala ulit ang makukuha mo. Kaya wag balewalain ang mga pagkakataong ibinibigay sa'yo, alagaan mo ito.

Kasama sa tiwala ang pagiging salawahan. Posible bang higit sa isa ang mahal mo? Oo, pero imposibleng patas sila. Laging may lamang diyan, kaya pumili ka! Wag hintaying ang matira na lang sa'yo ay ang sarili mo.

Marami pang dahilan na alam ko namang alam n'yo na. Maganda man o hindi ang naging paghihiwalay ninyo, magpasalamat, dahil naging bahagi siya ng buhay mo. Hindi lahat ng tao ay nagkaroon ng pagkakataong makilala man lang siya. Gawin mo siyang inspirasyon o aral, para mas mapabuting tao ka.

Madali sabihing magiging okay ka din, pero kapag nasa sitwasyon ka na, 'paano na ako?' Para sa iba, madali ang magpanggap na okay ka, na wala na sa'yo ang lahat, pero kapag mag-isa ka, okay ka ba talaga? Madaling ngumiti at tumawa, pero parang ang hirap na maging masaya. Kasi ginawa mo siyang mundo mo, na dapat ay hindi. Kapag nasasaktan tayo, ang tingin natin sa rosas ay matinik na bulaklak. Nguni't kapag masaya ka, isang maganda at mabangong bulaklak ang rosas na hawak mo. Nasa pag-iisip na'tin ang lahat. Sabi nga, be positive! ☺

Madalas kong sinasabi na kapag nasaktan ka, hindi kasalanan ang umiyak. Hindi bawal na maramdaman mo ang lungkot. Dahil natural lang yan, kasi nga, nasasaktan ka. Ang tanging magiging kasalanan mo na lang ay ang hayaan mo ang sarili mo na maging malungkot sa mabahang panahon. Sayang! Maraming magagandang bagay ang nakapaligid na hinihintay lang na mapansin mo. Lahat ng kasiyahan ay nagsisimula sa pagpapahalaga at pagrespeto.

Ang nakakalungkot lang sa iba ng break-up ay ang maging strangers na lang kayo ulit. Ang dating sinasabing hindi mabubuhay kapag nawala ka sa buhay nila ay ngayon ay buhay na buhay pa't humihinga. Ang dating nagsasabing hindi na makakayang magmahal pa ulit ay nagmamahal na ng iba ngayon. Ang dating kamay na ikaw lang ang humahawak, ay hawak na ng iba. Maraming magbabago, pero hindi dahilan yan para malugmok . Magmahal muli, you deserve to be happy.

Break na tayo! Hindi ibig sabihin ay katapusan na ng mundo. Ibig lang sabihin ay may mas maganda pang darating para sa'yo. At ginawa siyang daan para maging handa ka para sa taong bubuo ng nawala sa'yo.

If you are in a relationship, you must have faith in God, faith in your relationship, and faith for each other.

You must not just like or love your partner, but must accept everything about him/her, for who he/she is and not.

Never get tried expressing your love, specially to girls.

Appreciate everything (s)he's doing.

Huwag palapagpasin ang isang araw na magkagalit kayo. TALK!

Huwag mapagod intindihin ang isa't isa.

Say what you really feel, huwag mong kimkimin.

Surprise your partner.

Ask, but never demand.

Don't be too sensitive, nor insensitive.

It's okay to act as a child when you're making 'lambing', but don't be childish.

Don't be narrow-minded

Trust your partner and your relationship.

Think before you act.

Have quality time together. It matters.

Be proud of her/ him.

Be honest!

Ask guidance from HIM.

'wag gawing bisyo ang break-up kapag nag-aaway.

Don't be too paranoid. It'll kill you!

RESPECT your partner.

Keep the love alive, stay inlove! ♥




0 Comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...